Malapit na ang araw ng pasukan, di ko maiwasan ang kabahan. Siguradong sasakit nanaman ang ulo ko sa lahat ng mga assignment na kakaharapin ko,di ko na mapapanuod ang mga teleseryeng sinusubaybayan ko,kailangan nanamang matulog ng maaga at higit sa lahat mga bagong kaibigan na makakasalamuha ko.Unang araw ko sa school,1st year high school palang ako kaya talagang sobrang naninibago ako, habang naglalakad ako upang hanapin ang aking magiging silid, naisip ko nuong elementary palang ako wala akong ibang iniisip kung anong lalaruin namin ng mga kabigan ko habulan ba o piko hindi naman ako tulad ng ibang kong mga kakalse na puro laro lang ang nasa isip ginagawa ko naman ang lahat para mapataas ang grades ko syemepre dahil may utak naman ako lahat ng nakukuha kong grades matataas.”miss! ditto ka ba sa silid na ito”nagulat nalang ako dahil nasa tapat na pala ako ng aking magiging silid at ang labis na ikinagulat ko ay ng tawagin akong “miss” ng siguro ay magiging classmate ko di tulad nung nasa elementary palang ako ang kalimitang sinasabi nila sakin “bata sasali ka”nakaktuwang isispin miss na ako ngayon. Tulad ng aking inaasahan sa pinakadulong silya ako mapapaupo palibhasa nagsisimula sa letrang R ang aking apelyido kaya hayun at parang akong inapi dun sa dulong upuan, bakante pa ang silyang katabi ko, sana mabait yung magiging katabi ko.dumating ang aming guro na sa unang tingin mo palang ay mataray dahil siguro sa suot nitong malaking salamain at ang buhok na naka pusod ng maayos naalala ko tuloy yung pinanuod ko nun na princess sarah para syang si miss minjin lalo akong kinabahan ng magsalita na an gaming guro na nagpakilalang Ms.Magdalena narinig ko pa sa aking mga kaklase”hindi bagay sa kanya ang pangalan nya dapat ms.sungit na lang hehehehe”na hinid naman nakaligtas sa napandinig ni Ms.Magdalena”ang unang ituturo ko sa inyo ay gumalang sa mga nakaktanda “wika ni Ms.Magdalena na halos lahat ng salita’y buong ingat na lumalabas sa bibig nagmistulan kaming mga pipi ng mga sandaling iyon. Isang bata ang nakapukaw ng aming pansin,nilapitan ni Ms.Magdalena ang bata at kinausap di nagtagal ipinakilala ng aming guro ang bata”class sya si Rose Ann Rosario galing sya sa malayong bayan at dito na maninirahan ang kanilang pamilya isa sya sa magiging ka magaral nyo ”mahabang lintaya ni Ms.Magdalena. at dahil isa na lang ang bakanteng upuan na nasa tabi ko dun na sya pinaupo ni Ms.Magdalena. nginitian ko agad sya pag kaupong pakaupo nya tinugon nya ang ngiti ko yun nga lang parang pilit pa.pinagmasdan ko sya payat sya pero kitang kita parin ang ganda at amo ng kanyang mukha at palibhasa maputi napansin ko ang ilang mga pasa sa kanyang braso di ko na masyadong napansin yun dahil nagsimula na ang klase namin.
Marami ng araw ang nagdaan at halos lahat ng aking mga kamag aral ay kasundo ko na lalong lalo na si rose na nagging matalik kong kaibigan halos sa lahat ng oras ay mag kasama kami, madalas nya akong bigyan ng kanyang baon, madalas ko rin syang kopyahan ng assignment pag hindi ko masyadong maintindihan ang aming aralin peo nitong mga nakaraang araw hindi ko na sya nakaksama sinubukan ko syang tanungin”busy lang ako bestfriend”ang lagi nyang tugon at kahit may ngiti sa kanyang mga labi maaaninag mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata ilang ulit ko na syang tinanong kung may problema ba”ok lang ako bestfriend busy lang talaga”ang lagi nyang tugon.naisip ko tuloy siguro hindi nya talaga ako bestfriend,siguro wala syang tiwala sakin kaya hindi nya sinasabi sakin ang problema nya.ilang araw syang absent lunes na ng pumasok sya at kapansinpansin ang pagkahulog ng katawan nya inisp ko na lang na nagkasakit sya kaya hindi sya nakapasok ng ilang araw ngumiti sya sakin pero di ko tinugon ang ngiti nya nagtatampo ako sa kanya dahil naglilihim sya sakin ng problema samantalang bestfriend nya ako. tiniis ko yung araw na yun na hindi sya pansinin.kinabukasan absent nanaman sya madalas na syang absent nitong mga huling araw marami na rin syang namimiss na leksyon.
minsang nagkasakit si mama sinamahan ko sya sa ospital nakita ko dun ang papa ni Rose Ann ewan ko bigla na lang akong kinabahan pero pilit ko nalang isinantabi yung kabang naramdaman ko kailangan ako ni mama yun dapat ang isispin ko.lunes nagmamadali akong pumasok late na ako may quiz pa naman kami ng araw na yun tinakbo ko na ang room namin at habang hingal kabayo na ako nagtataka ako sa katahimikan ng buong klase at halos lahat sila ay sakin nakatingin tinwag ako ni Ms.Magdalena may binigay sakin na kapirasong papel sulat yun galling kay Rose Ann lumingon muna ako sa upuan ko upang tingnan si Rose Ann pero bakante parin ang silya nya tumingin ako kay Ms.Magdalena isang tango lang ang nagging hudyat para bsahin ko ang sulat Hi best friend sorry kung hindi ko nasabi sayo ang problema ko ayokong kasing kaawaan mo ako tulad ng ibang tao. masaya ako dahil nakilala kita.masaya ako dahil pag kasama kita hindi ko na maramdaman na may sakit ako Malaya akong nakakahalakhak.basta promise mo sakin kahit wala na ako sa tabi mo bestfriend mo pa rin ako dahil ako kahit nasa piling na ako ni jesus bestfriend pa rin kita.di ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko sa hawak kong papel hanggang sa hagulhol na ang naririnig ko na galling sa sarili kong bibig niyakap nalang ako ng Ms.Magdalena upang aluin naririnig ko na rin ang iyakan ng aking mga kaklase umuwi akong maga ang aking mga mata.kinagabihan nagtungo kami sa bahay nina Rose Ann. Nasa pinto na kami nina mama at papa parang hindi ko kayang ihakbang ang aking mga paa di ko kayang Makita ang aking bestfriend na nakahiga sa ataol muli naguunahang dumulas mula sa aking mga mata ang luha ng kalungkutan para sa aking kaibigan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment