Friday, November 20, 2009

"SA PAPEL"

Sobrang tinatamad akong pumasok ng araw na yun pero naisip ko mas mabuti na yun kesa magmukmuk ako dito sa isang tabi.

Nawala ang dating sigla sa aking katawan. Bihira na rin akong makihalubilo sa ibang tao. Pero pinipilit ko paring bumalik ako sa dati, pipnipilit ko ring ipagkit ang ngiti sa aking mga labi, gusto ko na ring marinig ang sarili kong halaklak, matulog sa gabi ng hindi lumuluha.lagi kong tanong sa sarili ko”hanggang kalian kaya ito?”
Masakit para sakin ang isispin pa ang mga sandaling yun pero di ko maiwasan. Mahirap takasan ang lungkot na nararamdaman ko. Marami ng araw ang nakalipas nagtataka ako dahil sariwa pa rin sa aking ala ala ang masakit na nakaraan. Pero syempre kailangan kong lumaban. May ngiti paring masisilayan sa aking mga labi pero hindi na katulad ng dati. Kailangan kong harapin ang sakit hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sakin at dun sa mga nagmamahal sakin. Pinipilit ko na lang itago ang sakit na nararamdaman ko.
Natapos ang klase namin ng isa lang ang naintindihan ko sa sinabi ni maa’m.”ipahayag nyo ang inyong nararamdamn sa pamamagitan ng kapirasong papel”malakas na sabi ni maa’m sa buong klase. “at bukas ipahayag ito sa buong klase” dagdag pa ni maa’m. naglalakad akong magisa pauwi sa amin. Hindi ko nanaman maiwasan ang isispin pa ang bagay na yun sa tuwing magiisa ako lumuluha na lang ako ng di ko namamalayan. Nakarating ako sa bahay ng basa ng luha ang aking mata. Nadatnan ko si nanay na nakamata lang sakin kahit di nya sabihin alam ko na nasasakatan din sya. Nagpalit na ako ng pambahay at dumulog na ako sa mesa. Matapos kumain ang takdang aralin ko naman ang haharapin ko. Naalala ko nanaman ang sabi ni maa’m”ipahayag nyo ang inyong nararamdaman sa pamamagitan ng kapirasong papel. Hawak ang ballpen nagsimula na akong sumulat.
Nagmamadali na akong pumasok kinaumagahan. Halos pasimula na ang klase namin. Umupo na ako sa aking silya isa isa ng natatawag si maa’m ng magbabasa sa unahan. “Miss.Montenegro” tawag ni maa’m.mabilis akong pumunta sa unahan. Inumpisahan ko ng basahin ang sulat ko.

Maraming luha ang bumabagsak sa lupa
Sa tuwing sasaglit ang iyong alaala
Mga halakhak na napalitan ng hikbi
Kamay ko’y binitawan at iniwan sa isang tabi

Sinubukan kong lungkot ay humupa
At ibsan itong aking mga luha
Pinipilit ko rin ang tumawa
Kahit sa loob ako’y nagdurusa

Sa hampas ng hangin sa aking pisngi
Ramdam ko ang mu-munting kiliti
Alam kong hindi ito ang pinakahuli
Alam kong ako’y ngingiti pang muli
Natapos akong magbasang tahimik lang ang buong klase. Waring nahiptonismo silang lahat at parang ramdam na ramdam nila ang emosyong nakapaloob sa binasa ko at ng matauhan palakpakan ang sumunod.bumalik ako sa upuan ng magaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik, pakiramdam ko lumaya ako. Parang muli akong nabuhay. At sigurado ako na ito na ang simula ng bagong

No comments:

Post a Comment