Monday, November 9, 2009

MS.KIKAY

Bakit ba sa tuwing dadaan na lang ako sa kanilang harapan lahat sila sakin na lang lagi nakatingin. Siguro dahil sobra lang ako sa ganda.
Maliit pa lang ako center of attraction na ako sa pamilya namin kahit sa aming mga kapit bahay ako pa rin ang bida, kaya ayun na spoiled ako, nadala ko na hangang mag teenager ako, hindi lang naman ako spoiled. Kikay din ako. Hindi mo ako makikita na walang hawak na salamin, suklay at lahat ng uri ng pampaganda. nagtataka nga ako sa sarili ko maganda nanaman ako bakit nagpapaganda pa rin ako.
sa school di mo makikita ang ballpen sa kamay ko madalas salamin lang ang hawak ko sinisipat ko kung may muta ba ako, magulo ba buhok ko, oily na ba ang face ko, ewan ko ba kahit na alam kong wala naman magbabago sa mukha ko di ko pa rin maiwasan ang tumingin sa salamin.
Kasalukuyang nag tuturo si maam ng maramdaman kong may tumutulong pawis sa mukha ko nataranta na ako “my god oily na ang face ko”hindi ko alam napalakas pala ang imik ko ka ayun naging center of attraction nanaman ako. Kitang kita ko ang matalim na titig ni maam sakin, di ko na yun inintindi pa nahihiya ako sa crush ko na nakatingin sakin”nakakahiya ang pangit ko”himutok ng isip ko.nagpatuloy si maam sa pagtuturo. Hindi ko na napigil ang sarili ko. Nagretouch ako ng face ko. Hindi ko namalayan ang nagliliyab na titig ni maam feeling ko lalo akong pinagpapawisan sa titig ni maam. “what do you think your doing miss.Garcia”?tanong sakin ni maam na hindi inaalis ang titig sa kin”ahmmm,,”tumngin muna ako sa paligid lahat sila sakin na nakatingin”ahmmmm, retouching maam”sagot ko sa tanong ni maam. Tawanan lahat ng kaklase ko. Napatingin ako sa crush ko sya lang kasi ang hindi tumatawa umiilingiling pa sya. Napasimangot ako.”bakit totoo naman ang sinabi ko ah”reklamo ng isisp ko.
Ipinatawag ni maam si mama. Ng sabihin ko kay mama na pinatatawag sya ng aming guro tumawa lang sya.”ano nanaman ang kasalan mo.”tanong ni mama. Hindi na isyu sa kanya kung pinatatawag ako ng guro namin. Sabagay madalas naman talaga akong ipatwag ng guro namin.
Biyernes, syempre masaya ang lahat ng estudyante dahil sabado na kinabukasan.makakapag lamyerda kami kahit saan namin gusto. Nag usap-usap na kami ng friends kong kikay kung saan ang lakad namin at napagkasunduan namin na mag mall na lang kami.
Bitbit ang lahat ng aming pinamili, masya kaming naglalakad-lakad sa gitna ng mall ng mapansin ko ang crush ko. Nakita ko na mag-isa lang sya kaya nagpasya akong lumapit sa kanya. Malapit na ako sa kanya, poise na poise pa ako habang naglalakad.ng bigla akong matisod, dahil na rin siguro sa taas ng heels ko. Napasubsub ako sa tiles na sahig.muli naging center of attraction nanaman ako.halos Nakita na ng madla ang underwear ko,tumayo ako na parang walang nangyari. Kumaway pa ako sa mga tao para itago ang hiyang nararamdaman ko. Andun parin ang crush ko nag“HI” ako sa kanya pero sa halip na sya ang sumagot ang babae na bigla na lang sumulpot sa tabi nya ang sumagot ”bryan kilala mo ba sya” malanding bigkas ng babae na pumipilantik pa ang mga daliri. Tiningnan ko ang babae. Matangkad maputi, itim na itim ang mahabang buhok sa madaling sabi maganda.”hindi ko sya kilala”basag ng crush ko sa pagsusuri ko sa babaeng kasama nya.wala na akong ibang narinig kundi ang” honey lets go”. Parang tinarakan ng isang libong patalim ang puso ko.
Sa kwarto ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko.wala na akong pakialam kahit kumalat ang make up sa mukha ko. Kinuha ko ang papel sa ilalim ng unan ko picture ng crush ko ang nakalagay dun, ayaw nya akong bigyan ng picture ng subukan kong humingi, kaya nag pa-print na lang ako ng picture nya galling sa friendster nya. Pinapangit ko sya, pinakapal ang kilay initiman ang mapuputing ngipin,nilagyan ng sungay, ginurihan ko ang buong mukha nya haggang sa makuntento ako sa itsura nya.”ayan pangit ka na di na kita crush”lumuluha paring sabi ko”.
Lunes, halos sabay kaming pumasok sa classroom namin ng crush ko. Kung nuon binabati ko sya ngayon dead-ma ko sya.nagsimula ang klase namin,pasulyap sulyap ako sa kanya at minsan nakikita ko rin na nakatingin sya. Hindi ko na pinansin yun, galit pa rin ako sa kanya. May recitation kami ng araw na yun at nagsimula ng magtawag si maam, una akong tinawag,kabado na ako “1+1 sana ang itanong ni maam”dasal ko sa isisp ko.” As an ordinary people what help can you give to other people?” tanong ni maam sa akin. Nagtaka ako bakit yun ang tanong ni maam samantalang math ang klase namin. Pero mabilis din akong nagisip ng isasagot.tahimik ang buong klase parang inaabangan nila ang magiging sagot ko.” i’m willing to give what I have specially to those people whose life is very difficult, even my knowledge I will be ready to share it to all children who can’t afford to go school”.palakpakan ang narinig ko pag katapos kong sumagot, maging si maam na mainit lagi ang ulo sakin pumapalakpak din kahit ang crush ko abot na ata ang ngiti hanggang tenga at walang tigil sa pagpalakpak. Hinid ko sigurado kung sakin nga galing ang mga salitang yun. Naisip ko mas masarap palang maging center of attraction ka dahil sa kakayahan mo di dahil sa katangian.
Madalas parin akong may hawak na salamin pero may kasama ng ballpen, notebook na rin ang laman ng bag ko at higit sa lahat pinapansin na ako ng crush ko

No comments:

Post a Comment