“Ganito na lang ba lahat”
Tulad ng dati routine ko na ang tumabay sa bintana sa taas ng bahay namin at mula doon tanaw ko ang aming mga kapitbahay na syempre tsismis lang ang ginawagawa sa kabilang banda mga kalalakihang nag iinuman, mga kabataan na hindi mo alam kung may milagaro bang ginagawa.
normal na sa amin ang ganitong sitwasyon masaya naman sa amin at minsan nakakalungkot isispin na hanggang ganito na lang ba lahat?, nakakalungkot isipin na sa halip na ipaghnda ang kanilang mga kabiyak ng makakain hayun at nagpapalakasan ng boses sa pakikipag tsismisan. Ito namang mga kalalakihan imbes na ipambili ng pagkain para sa pamilya alak ang inaatupag at ito namang si anak sisigaw ng “nay! wala ng bigas” at syempre ang sagot ni nanay na abala parin sa kanyang mga kumare sa pakikipagtsisimisan “ikaw na ang bahalang dumeskarte anak” ito namang si anak pupunta sa tindahan uutang ng bigas, “pautang daw po si nanay ng bigas” at ang Gagawin ni tindera bubungagaan muna ang si nangungutang ipapakita ang listahan bago pautangin.pagdating sa bahay bunganga naman ni nanay ang maririnig kasabay ng iyak ni bunso na magkahalo na ang luha at sipon sa mukha pagkaluto ng sinaing ulam na lang ang problema hingi uli kay nanay ito namang si nanay papupuntahin ako kay tatay di na kailangang tanungin kung nasan si tatay,lalabas na ng bahay para hagilapin si tatay di na nakakapagtaka kung Makita si tatay dun sa kanto at nakikipagunuman lalapit kay tatay, “tay!,pahingi ng pambili ng ulam”sasagot si tatay, “mag asin na lang kau anak” uuwi sa bahay at tulad ng inaasahan bunganga nananamn ni nanay ang maririnig kasabay pa rin ng iyak ni bunso at si anak naman idadaan na lang sa kain with their usual menu
“asin “ang nakakatuliling bunganga ni nanay pagkatapos kumain lalabas uli si nanay at itutuloy ang nabitin na pakikipagtsismisan sa kapit bahay.pagdating ni tatay na syempre lasing hahanapin si nanay akala ng mga kapitbahay si nanay lang ang may kakayahang mag bunganga si tatay palaban din sa bungangaan”nasan ang nanay mo aba gabi na tsismis pa rin ang inaatupag”hanggang sa makatulog na sa kalasingan at kaming mga anak tutulog na rin bukas uli
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment