Musmus pa lang ako di ko na ramdam ang pagmamahal ni inay, at ang aking laging tanong bakit kaya?
Pumapasok ako na halos naninilaw na ang aking uniform, ni ang aking kuko di magawang putolin kaya pag nag inspeksyon ang aking guro siguradong may pitpit ako sa kamay, kahit ang bag ko na napupunit sa kabigatan hindi magawang tahiin, at ang sapatos ko na kulang na lang ay iluwa ang aking mga paa at kung mayroon lang na kakayahan na magsalita siguradong sinabi na sakin”palitan mo na ako”.
Napapangiti na lang ako sa tuwing titingnan ko ang aking sarili sa salmamin. Baluga nga ako tulad ng sinasabi ng iba. Nagbinata ako na halos walang pangbabago sa pagtrato sakin ni inay. madalas galit sya sakin.Tulad ng lagi ko ng gawi iniintindi ko na lang si inay.
Naalala ko nung nasa high school palang ako. Hikbi ni inay ang nagmimistulang alarm clock ko. Pero kapag nagtatangka akong magtanong kung may problema ba “umalis ka sa harap ko hindi kita kailangan” ang laging sagot ni inay. Ni minsan hindi pumasok sa iisp ko ang magrebelbe kay inay, ni minsan hindi ko nagawang sumagot kay inay kapag pinapagalitan nya ako na madalas namang mangyari. Mahal ko si inay eh!.
Wala akong ibang hangad kung panu sya magiging proud sakin. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya kahit mahirapan ako basta ikaliligaya nya.Ganyan ko kamahal si inay. Si inay na kahit isang pilit na ngiti hindi magawang ipakita sakin, si inay na kung susulyap sa akin ay matatalim na tingin naman.
Kaylan ko kaya maririnig ang mga katagang “anak kumain ka naba”, “anak gumising kana male-late ka na”, anak matulog ng maaga”. Matagal ko ng panahong inaasam na marinig sa labi ni inay ang mga sabi nga nila ay sweet na salita. Pero sa lagay namin ni inay baka matagalan pa.
At sa edad kong 20 malapit na akong matapos ng koleheyo dahil na rin sa sarili kong sikap. Nag aaral ako sa umaga at trabaho sa gabi sa madaling sabi working student ako.
Galling ako sa trabaho ng maabutan ko si inay na kumakain. Natuwa ako dahil wala ang luha na madalas kong Makita sa mga mata nya. Parang ang kakaiba ang aura ni inay at sa hinaba haba ng panahong magkasama kami sa wakas nakita kong sumulyap sya sa akin ng walang galit na maaaninag. Sarap ng feeling ko nung gabing yun. Parang lumilipad ang pakiramdam ko at nasa himpapawid na ako. Siguradong makakatikim ako ng masarap at mahimbing na tulog ngayong gabi.
Magaan ang pakiramdam ko ng umagang iyon. Nasa isip ko parin ang tagpo namin ni inay kagabi. Lalong na doble ang saying nararamdaman ko ng Makita kong may nakahanda ng almusal sa mesa namin. Natakam ako at biglang nakaramdam ng gutom. Mabilis akong lumapit sa sa mesa upang kumain. Pupunta na sana ako sa kwarto ni inay para tawagin sa agahan. Napansin ko ang isang papel na nakaipit sa ilalim ng tasa ng umuusok na kape. Dala ng aking kuryusidad kinuha ko ang papel at nakita ko ang aking pangalan. Nagtaka ako kung kanino galling ang sulat. Naupo ako sa harap ng mesa at inumpisahan ko ng basahin ang sulat.
Anak,
Patawarin mo ako anak sa lahat ng pagkukulang ko sayo, patawarin mo ako sa pagmamahal na ipinagdamot ko sayo. ayokong mapamahal sayo dahil alam kong sa oras na malaman mo ang totoo mangayari ang kinatatakutan ko.hindi ko alam kong mapapatawad mo pa ako …………………………
Hindi ko na nagawang tapusin ang sulat ni inay. Mugto na ang aking mata sa pagiyak pinilit kong tumawa dahil nalaman kong kahit kunti minahal ako ni inay. Napatingin ako sa mesa andun parin ang agahan na inihanda ni inay. Kumain na ako ayokong magdrama hindi bagay sakin. Habang sumusubo ako muli naglandasan nanaman ang luhang kahit anong pilit kong huwag pumatak hayun at naguunahan pa. nalalasahan ko na ang aking luha na humahalo sa hinihigop kong kape. Walang nagbago sa nararamdaman k okay inay ni hindi nabwasan ang pagmamahal ko kay inay. Inay pa ba ang dapat kong itawag sa kanya?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment